Ang Mga Katangian Ni Florante At Ni Aladin
Ang mga katangian ni florante at ni aladin
Answer:
Si Florante ay matalino, mapagmahal at mabuting anak ( o mabuti talaga siya)
Habang si Aladin ay matapang, masunurin, matulungin ( pwede ring mapagmahal )
Explanation:
Si Florante ay Matalino dahil noong nag-aaral siya sa Atenas siya ang nangunang magaling na mag-aaral at napalitan niya si Konde Adolfo sa kasikatan ( hindi niya ito sinasadya ).
Mapagmahal kasi kahit wala si Laura sa kanyang tabi noong kailangan niya ito mahal niya pa rin ito.
Mabuti dahil sumusunod siya sa kanyang ama tulad ng pag-aaral sa Atenas ay unang kagustuhan ng kanyang ama. At kahit sa mamamayan din dahil hindi siya uma-abuso sa kanila.
Aladin ay isang matapang na moro handa siyang makipag-laban para masunod ang utos ng ama.
Masunurin dahil lahat ng utos ng kanyang ama ay hindi niya sinusuway.
Matulungin dahil tinulungan niya si Florante sa gubat siya ang nag-ligtas kay Florante sa mga leon.
(Mapagmahal dahil umibig siya kay Flerida tulad ng pagmamahal ni Florante gayundin ang pagmamahal niya ng lubos sa kay Flerida.)
Comments
Post a Comment